shynyrd
03.09
Bakit ‘kamo shYnYrd? Hindi sa dahil kilala ko ang bandang Lynyrd Skynyrd, pwamis, di ko sila kilala. Nasabi lang minsan ng isang ka-chat ko na may bandang ganun at baka daw dun ko nakuha ang SHYNYRD na nakakalitong bigkasin at kahit itype yata mahirap. First year ko sa alma mater ko ng maisipang mag-internet ng ka-tropang klasmate ko.
Meanne: Internet tayo?
Ako: Sige
Chris “Ultimate Crush”: Tara
Meanne: May e-mail add ka na ba shea?
Ako: Wala pa. Turuan mo naman ako pano gumawa ng e-mail add.
Meanne: Sige, tabi ka lang sa akin.
Chris: Ngumingisi
——–
Meanne: Anong gusto mong username?
Ako: Shy… hmmmm
Meanne: Un lang?
Ako: SHY….NERD…
Meanne: Ah sige…
Ako: Wait lang… PD BA GAWIN mong Y yung E? para unique… =)
Meanne: Sige…
Yan po ang history ng SHYNYRD. Ang dami kasi nagtatanong kung bakit shynyrd, di ko rin po alam bakit, basta ganyan na ganyan po talaga yung nangyari kung paano nabuo ang SHYNYRD… sabi ko nga, now a name soon a legend.. =p
wow un pala ang alamat ni shynyrd dumalaw po hehehe
thanks rico…
sus hirap na hirap pa naman akong basahin un lang pala un galing hehe
wah nakita ko na in person si Shea!
congratz! panalo ka sa panghuhula ng mga movies. hehehe
mabuhay!
Parang “shmimy” lang. Madalas ko yan sabihin kapag bumabawi ako sa mga taong hindi ko madalas nakakasama.
Magandang araw Shynyrd!
Nice name, super unique nga mapapaisip ka sa simula…
aw, thanks..
Hi! May bago ka na palang bahay… yun pa rin kcng shynyrd.wordpress.com ang alam ko..
Wala lang, napadalaw lang po… Ingatz always!